Abra De Ilog, Occidental Mindoro (February 10, 2022) – Arestado ang pitong (7) kababaihang residente ng Barangay Poblacion, Abra De Ilog, Occidental Mindoro sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng mga kapulisan ng Abra de Ilog Municipal Police Station (MPS) at 402nd Regional Mobile Force Battalion (RMFB) noong Pebrero 10, 2022.
Nagpapaskil lamang sana ang mga kapulisan ng mga flyers ng mapansin ang mga residenteng naglalaro ng ipinagbabawal na sugal na Bingo.
Kinilala ang mga naaresto na sina Eunice Galicia Cordova, 32 taong gulang; Mylene Florendo Cano, 42 taong gulang; Janice Calingasan Roldan, 41 taong gulang; Angelica Saonoy Quijano, 23 taong gulang; Jesica Forio Guna, 25 taong gulang; Criselda Benedicto Ruallo, 49 taong gulang; at Jeralyn Lorenzo Benedicto, 20 taong gulang na pawang mga residente ng Sitio MTB, Barangay Poblacion, Abra De Ilog, Occidental Mindoro.
Nasa kustodiya na ng Abra de Ilog MPS ang mga naarestong suspek para sampahan ng kaukulang kaso sa paglabag ng PD 1602 kasama ang mga nakumpiskang ebidensya.
Ito ang resulta ng direktiba ni Police Colonel Simeon Gane, Jr., Provincial Director ng Occidental Mindoro Police Provincial Office (PPO) sa kampanya laban sa lahat ng ilegal na aktibidad sa buong lalawigan.
Source: Occidental Mindoro Police Provincial Office
####
Panulat ni Pat Jorge Michael C Bardiago, RPCADU 4B
Good job para sa mga pulisya tunay na maaasahan