Friday, September 20, 2024

Php34 Milyong halaga ng droga, nasabat ng Bongabong PNP at PDEA

Nasabat ng pinagsanib pwersa ng Bongabong PNP at Philippine Drug Enforcement Agency – MIMAROPA ang halos 5 kilo ng shabu sa isang anti-illegal drug buy-bust operation sa Sitio Panlanao, Barangay Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro nito lamang ika-16 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang mag-asawang suspek na sina alyas “Luis”, 45 anyos, at alyas “Lyn”, 41 anyos, residente ng Sitio Miaje, Barangay Malitbog, Bongabong, Oriental Mindoro.

Ang operasyon ay ikinasa ng PDEA MIMAROPA, Bongabong Municipal Police Station at National Bureau of Investigation (NBI) MIMAROPA.

Nakabili ang grupo ng isang (1) pakete ng Chinese tea bag na umabot sa isang kilo ng shabu. Sa paghahalughog, nakumpiska sa possession at control ng mga suspek ang apat (4) na pakete ng chinese tea bag na tinatayang apat na kilo ng shabu, mga boodle money, isang unit na gray Toyota Hilux, dalawang unit na mobile phone, at dalawang pirasong ID.

Ayon kay G. Jet Cariño, Director, PDEA MIMAROPA tinatayang aabot sa Php34 milyon ang halaga ng mga ilegal na droga ang nasabat ng mga operatiba sa operasyon. Ito ang pinakamalaking nasabat na droga sa rehiyon at dahil dito ay naputol umano ang supply chain ng mga nagpapasok ng ilegal na droga sa MIMAROPA at karatig na mga rehiyon.

Ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng administrasyon na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.

Source: Romblon News Network

Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles