Arestado ng mga tauhan ng Angeles City Police Station 3 ang isang lalaki sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition sa Barangay Pulung Maragul, Angeles City nito lamang Lunes, ika-16 ng Setyembre 2024.
Matagumpay ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Amado A Mendoza Jr., City Director ng Angeles City Police Station.
Bandang 10:40 ng umaga nang nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na may nagpapanggap na pulis at may nakasukbit na baril sa baywang.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang improvised pistol; ang isa ay may kargang isang bala ng 5.56 mm, habang ang isa ay walang bala.
Patuloy ang walang humpay na pagsisikap ng Angeles City PNP sa pag-aalis ng anumang uri ng ilegal na gawain upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan, maging sa loob at labas ng kanilang tahanan.
Ang pagpapalakas ng kampanya ng PNP laban sa kriminalidad ay upang matukoy at madakip ang mga kriminal at mailagay sa likod ng rehas at magbigay ng pinakamahusay na serbisyo publiko at panatilihing ligtas ang komunidad.