Carmen, Agusan Del Norte (February 8, 2022) – Sumuko ang isang political instructor ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad noong Pebrero 8, 2022 matapos ang walang humpay na pagsisikap ng Police Regional Office (PRO) 13 sa kampanya laban sa Communist Terrorist Group (CTG) bilang suporta sa programa ng gobyerno na wakasan ang local communist armed conflict.
Ayon sa pahayag ni PRO13 Regional Director, Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., si Alias Lyka, 26 taong gulang na balo, nakatira sa bayan ng Buenavista sa Agusan del Norte at aktibong miyembro ng Sandatahang Propaganda Guerilla Front 4-A ng Northeastern Mindanao Regional Command (NEMRC) ay sumuko sa tauhan ng Carmen MPS, 23IB, PA, Regional Intelligence Division (RID) 13 at Agusan del Norte Provincial Intelligence Branch sa presensya ng isang opisyal ng barangay.
Bukod sa pagiging isang CTG political instructor, si Alias Lyka ay isa ring supply officer at nakalista sa 2021 3rd quarter Periodic Status Report. Ibinigay ni alyas Lyka ang isang (1) unit caliber 45 Armscor, walang serial number na may limang (5) live ammunition at isang (1) piraso ng hand grenade.
Napagtanto ni Alias Lyka na walang patutunguhan ang pakikibaka at paghihirap sa bundok na walang kasiguruhan na magagawa niyang lumabas ng buhay para makapiling muli ang kanyang pamilya habang nasa kamay ng nasabing teroristang grupo.
“Alias Lyka is one of the victims whose youth were robbed by the NPA in fighting against the government instead of helping her family. To the remaining CTG members, I encourage you to follow her path before it’s too late. The government has prepared programs that help you support your family and start a peaceful and righteous life,” saad ni RD Caramat Jr.
Si alyas Lyka ay tinutulungan ngayon ng Carmen MPS para sa kanyang pagpapatala sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Sa talaan ng PRO 13 Regional Operations Division (ROD) ay 39 na miyembro ng CTG ang sumuko sa Caraga cops mula Enero 1 hanggang Pebrero 8, 2022. Samantala, mula nang mamuno si RD Caramat Jr noong Setyembre 17, 2020, mayroon nang 1,060 dating rebelde ang sumuko habang 281 miyembro ng CTG ang naaresto.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274330031478511&id=100067045480464
####
Panulat ni Patrolman Jhunel D Cadapan RPCADU13
More power po sa inyo mam/sir
Sana lahat sumuko na at magbalik s gobyerno mabuhay ang PNP
Sana lahat sumuko na..salamat sa mga awtoridad