Friday, January 24, 2025

Project LABB CARE, inilunsad ng Isabela PNP

Inilunsad ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang Project LABB CARE o Lifelong Assistance to the Brave and their Bereaved Compassion Assistance Resilience Empowerment sa IPPO Multi-Purpose Hall, Barangay Baligatan, Lungsod ng Ilagan, Isabela noong ika-16 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ni Police Colonel Lee Allen B Bauding, Provincial Director, ang nasabing aktibidad kasama ang mga Provincial Staff at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PCol Bauding ang patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga benepisyaryo ng proyekto. Nagpasalamat din siya sa lokal na pamahalaan ng Isabela sa kanilang tulong at suporta sa hanay ng kapulisan.

Sa programa, personal na iniabot ng mga panauhin ang tig-10 kilo ng bigas para sa mga pamilya ng mga bayaning pulis mula sa iba’t ibang lungsod at bayan ng Isabela. Bukod dito, nakatanggap din ng bigas ang lahat ng aktibong pulis sa buong lalawigan.

Lubos ang pasasalamat ng mga dumalo sa aktibidad sa patuloy na suporta at tulong na kanilang natatanggap. Ang ganitong uri ng pagmamalasakit ay nagsisilbing inspirasyon at gabay para sa kanila.

Ang paglulunsad ng Project LABB CARE ay simbolo ng pagmamahal at pagkalinga sa mga kaanak ng mga kapulisan ng Isabela na nagbuwis ng buhay para sa bayan, alinsunod sa programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: Isabela Police Provincial Office

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles