Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Baryo sa mga otoridad sa Barangay Bazar, Sallapadan, Abra noong ika-16 ng Setyembre 2024.
Ang matagumpay na pagbalik-loob ng dating NPA sa Baryo ay bunga ng puspusang pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd Abra Provincial Mobile Force Company, kasama ang Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 14, Regional Mobile Force Battalion 1504th MC, Tracker Team Cluster 6, Sallapadan Municipal Police Station, at Manabo Municipal Police Station.
Ang sumukong indibidwal ay dating miyembro ng NPA sa Baryo na na-recruit noong Disyembre 2002 ng KLG North Abra at nagsilbing mata, tainga, at tagapagdala ng pagkain ng grupo.
Gayunpaman, noong 2018, siya ay nagpasyang mag-lie-low.
Kasabay ng kanyang pagsuko, ang pagbawi sa suporta at katapatan sa CTGs at sa iba pang ugnayang grupo.
Sa kalaunan, nagdesisyon siyang yakapin ang batas at nagpahayag ng suporta sa programa ng pag-iisa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilalim ng Executive Order 70 ng gobyerno at ng (RLECC) Resolution No. 6, serye ng 2021 na “Dumanon Makitungtung” (lumapit upang makipag-usap sa mga taga-nayon.)
Patunay na handa ang gobyerno at PNP sa pagtanggap ng mga nagbabalik-loob at handang tulungan ang mga ito upang makapagsimulang muli at mamuhay ng normal kasama ang kanilang pamilya.