Friday, September 20, 2024

Iba pang mga biktima ni Quiboloy, dumulog sa PNP; mga pang-aabuso, idinitalye

Dumulog at lumapit sa tanggapan ng Pambansang Pulisya ang iba pang mga nagpakilalang biktima rin ni Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), iyan ay ayon sa PNP kamakailan lamang.

Ayon kay Police Colonel Jean Fajardo, Chief, PIO, humingi ng tulong sa mga pulis ang nagpakilalang mga biktima noon pa umanong hinahanap pa si Quiboloy sa mismong KOJC compound sa Davao City upang arestuhin.

Aniya: “During the 16-day police operation, may mga lumapit sa PNP na nagsabi na sila ay nabiktima rin ni Pastor Quiboloy.”

Dagdag pa ni PCol Fajardo na dinokumento lamang ng pulisya ang mga reklamo na hindi maibunyag ang mga pagkakakilanlan ng posibleng mga biktima at kasalukuyan nang pinoproseso upang maghain ng karagdagan pang mga complaints.

Kasalukuyan namang nakipag-ugnayan ang PNP sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), dahil halos mga menor de edad pa ang iba sa mga nagpapakilalang mga biktima.

Saad naman ni PNP Chief Police General Rommel Marbil sa hiwalay na pahayag, na idinitalye rin umano ng mga biktima ang pang-aabuso na kanilang naranasan kay Quiboloy.

“These so-called ‘inner circle pastorals’ were particularly vulnerable, with victims as young as 12 years old. Their testimonies have been crucial in uncovering the full extent of Quiboloy’s alleged crimes,” ani PGen Marbil.

Dagdag pa ng PNP na mayroong schedule umano ang nasabing mga Pastoral member kung kailan sila gagamitin ng kanilang Pastor.

Nahaharap si Quiboloy sa patong-patong na kaso kabilang ang paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at qualified human trafficking.

Photo Courtesy by Inquirer

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles