Friday, January 24, 2025

‘Angels of death’, ginamit upang takutin ang mga biktima ni Quiboloy

Panlilinlang at pananakot gamit ang “angels of death” ang naging instrumento ni Apollo C. Quiboloy upang pansamantalahan ang mga batang kababaihan na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ: ito ang lumalabas sa mga bibig ng mga umano’y biktima ni Quiboloy ayon kay Police Colonel Jean Fajardo.

Sa isang panayam, sinabi ng tagapagsalita ng pulisya na inilahad ng mga naging biktima ang konsepto ng “angels of death” na siyang ginamit panakot sa mga batang kababaihan upang pigilan silang magsumbong kaugnay ng mga panghahalay na ginawa ng kontrobersiyal na pastor.

“As early as twelve or thirteen years old, they were allegedly sexually molested by Apollo Quiboloy po and they are being (sic) threatened na kapag ibreak nila yung code of secrecy at sabihin nila kanino man ‘yung kanilang naranasan sa kamay po ni Apollo Quiboloy ay iha-hunt sila nung (mga) angels of death,” ayon kay PCol. Fajardo.

“Takot ‘yung mga bata dahil they are being threatened nga na hahabulin sila nung angels of death…at hindi lang sila, pati yung mga mahal nila sa buhay.”

Bukod sa pagbabanta sa buhay ng mga biktima at ng kanilang mga kaanak, nilinlang din ni Quiboloy umano ang mga bata nang paniwalain niya ang mga ito na mananatili silang “pure at intact” sa kabila ng mga panghahalay.

“Pagkatapos gamitin diumano ni Pastor Quiboloy ‘yung mga bata, ang sinasabi sa kanila ay they are still pure; intact pa rin ang kanilang pagkababae dahil ang nakipagtalik sa kanila ay (ang) espiritu ng Diyos.”

Sa hiwalay na panayam naman, tinawag na pedophile ni Davao City Police Director Police Colonel Hansel Marantan si Quiboloy at sinabing mayroong “scheduling” na sinunod kung kailan pagsasamantalahan ang mga batang babae.

“Quiboloy is a pedophile. At the age of thirteen, they (mga biktima) were started to be raped. There was a scheduling. Of the seven days of the week, you will be given a day for example: Monday, victim 1 you will be raped by Quiboloy on Monday, victim 2 you are to be raped by Quiboloy on Tuesday, and so on up to Sunday.”

Dagdag ni PCol. Marantan, ang mga biktima ay nanggaling sa mga nasirang pamilya at pinangakuang pag aaralin ni Quiboloy sa pamamagitan ng kanyang foundation.

Ang panghahalay ang nagsisilbi umanong “final rite” upang mapabilang ang isang batang babae sa “pastoral” o inner circle ni Quiboloy.

“Actually, yung sexual activity na yan is a final rite before you can become a pastoral of the inner circle.”

Sa kasalukuyan ay hinihimok ng PNP ang iba pang mga biktima na lumantad at magsampa ng kaso sa pastor at siniguro na sinuman ang magtetestigo at magkakaso ay sasailalim sa proteksyon ng kapulisan.

Si Quiboloy ay naaresto ng kapulisan noong Lunes, Setyembre 9, 2024, nang lumabas siya sa kanyang tinataguan sa loob ng Kingdom of Jesus Christ compound matapos bigyan ng 24 oras na ultimatum ng kapulisan.

Nahaharap sa patong patong na kaso ng rape, child abuse at human trafficking ang “self proclaimed appointed son of God” na ilang bwang nagtago mula sa kamay ng batas.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles