Arestado sa operasyon ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa City Level sa kasong Statutory Rape nito lamang ika-10 ng Setyembre 2024 sa Barangay Puntod, Lopez Jaena, Misamis Occidental.
Kinilala ni Police Colonel Rommel B Magleo, Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Richard”, may asawa, at residente ng Barangay Poblacion, Kidapawan City, North Cotabato.
Bandang 6:00 ng hapon ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang PRO 10 sa kanilang misyon na protektahan ang mga mamamayan mula sa anumang uri ng krimen para sa isang ligtas at payapang bansa.