Arestado sa operasyon ng mga awtoridad ang Most Wanted Person sa kasong Rape nito lamang ika-9 ng Setyembre 2024 sa Bayug Island, Barangay Hinaplanon, Iligan City.
Kinilala ni Police Colonel Reinante B Delos Santos, City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Doming”, 55 anyos at residente ng Sinara Alto, Jimenez, Misamis Occidental.
Bandang 12:24 ng hapon ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape by Sexual Assault na may rekomendadong piyansa na Php180,000.
Patuloy ang PRO 10 sa kanilang misyon na protektahan ang mga mamamayan lalong lalo na ang mga kababaihan mula sa anumang uri ng krimen alinsunod sa prayoridad ng pangulong Ferdinand āBongbongā Marcos Jr. ang magkaroon ng ligtas at payapang bansa.