Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Solana Police Station katuwang ang mga stakeholders na ginanap sa Masin-San Pablo Elementary School, Sitio Masin, Barangay Iraga, Solana, Cagayan noong ika-9 ng Setyembre, 2024.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga guro at mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Nasa 104 na mga benepisyaryo ang nabigyan ng mga pagkain at 50 naman ang nakatangap ng Basic Dental kits.
Dagdag pa rito ay nagsagawa rin ng lecture hinggil sa Proper Oral Hygiene para mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng mga mag-aaral ng nasabing barangay.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng karagdagang nutritional food ang mga benepisyaryo para sa mas magandang pisikal at mental na kalusugan. Ito rin ay kaugnay ng Project “LIGTAS” o Gabayan, Iabot at Tuwirang Aksyon para sa Eskwelahan at mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: PNP Solana
Panulat ni Pat Richelle B Ledesma