Arestado ng mga awtoridad ang isang babaeng may kasong Slander sa Barangay Aporawan, Aborlan, Palawan nito lamang ika-9 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas Sharon, 36 taong gulang at residente ng Proper, Barangay Berong, Quezon, Palawan.
Naaresto ang suspek sa pangunguna ng Quezon MPS, 1st PPMFC 4th Platoon at 1st PPMFC 2nd Platoon, Aborlan sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Slander, pagkakalat ng fake information (6 Counts) at may piyansa na Php18,000 kada kaso.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang ng patuloy na pangangalaga ng mga kapulisan sa kaligtasan at kaayusan ng kanilang nasasakupan.
Source: 104.7 XFM Palawan
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña