Regional Most Wanted Person, arestado ng Silang PNP
Arestado ang tinaguriang Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng Silang PNP sa Barangay Acasia, Silang, Cavite nito lamang ika-07 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Louie DC Gonzaga, hepe ng Silang Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Hyco”, 42 taong gulang, residente ng Silang, Cavite.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Robbery na walang inirekomendang piyansa.
Ang kapulisan ng Cavite ay magpapatuloy sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas at upang mabigyan ng kapanatagan ang mamamayan sa lalawigan ng Rizal.
Source: Cavite PNP
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng