Tuesday, January 28, 2025

Aksidente sa kalsada, nagresulta sa pagkakumpiska ng Php6.8M halaga ng ilegal na droga

Nakumpiska ng pulisya ang tinatayang Php6,800,000 na halaga ng ilegal na droga sa isang 29 taong gulang na lalaki na sangkot sa isang aksidente sa kalsada sa Barangay Salvacion, Murcia, Negros Occidental nito lamang ika-7 ng Setyembre 2024.

Kinilala ni Police Major Sherwin Fernandez, Hepe ng Murcia Police Station, ang suspek na si alyas “Carl”, 29 taong gulang, residente ng Barangay Villamonte, Bacolod City na nahulihan ng may kabuuang dalawang plastik na pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang isang kilo.

Pagdating ng mga kapulisan upang imbestigahan ang aksidente, napansin nilang tila nag-aalala at kinakabahan ang suspek. Dahil dito tinukoy ng mga responding officers ang plastik na pakete na nasa pag-aari ng suspek at doon nila natuklasan ang puting kristal na laman nito na pinaghinihinalang shabu.

Pinasalamatan ni Police Brigadier General Jack L Wanky, Regional Director ng Police Regional Office 6, ang pagiging alerto at mapagbantay ng mga pulis na tumugon sa insidente, inatasan niya rin ang pamunuan ng Negros Occidental Police Provincial Office na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang background ng suspek at ang pinagmulan ng pinaghihinalaang ilegal na droga.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang mabilis at epektibong aksyon ng Philippine National Police ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagtugon sa krimen at pagpapanatili ng kaayusan sa ating komunidad, tungo sa mas mapayapang Drug Free Western Visayas.

Source: PRO 6 Public Information Office

Panulat ni Pat Justine Mae Jallores

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles