Sunday, November 10, 2024

Suspek sa Robbery at Rape arestado ng Parañaque PNP

Arestado ang isang lalaking suspek na sangkot sa kasong robbery at rape ng mga operatiba ng Parañaque City Police Station nito lamang Sabado, Setyembre 7, 2024.

Kinilala ni Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director ng National Capital Region Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Andy”, 36 anyos, Grab driver at kasama nitong si alyas “Robert” na patuloy na pinaghahanap pa ng pulisya.

Ayon sa ulat, naganap noong Setyembre 5, bandang 4:00 ng madaling araw ang krimen na kinasasangkutan ng dalawang lalaking suspek na umatake at pinagnakawan ang isang 32 anyos na Vietnamese national na nag-book sa ride-hailing taxi papunta sa kanyang condominium. Sinundo ng sasakyan na minamaneho ni alyas Andy, ang biktima sa Marina Seaview sa kahabaan ng Pacific Avenue sa Barangay Don Galo, Parañaque City. Ilang sandali pa, sumakay sa sasakyan ang pangalawang suspek na kinilalang si alyas Robert.

Sa loob ng sasakyan, pinagbantaan ng mga suspek ang biktima gamit ang baril at kinuha ang Php35,000 na cash at ang kanyang iPhone 12.

Narekober ng mga awtoridad ang sasakyan na isang Toyota Vios na may plate number na NII 2269, kasama ang isang kalibre .45 na baril at iPhone 12 ng biktima.

Reklamong Robbery with Rape sa ilalim ng Article 294 ng Revised Penal Code (RPC) at mga paglabag sa ilalim ng Republic Inihahanda na ang Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang inihain laban sa mga suspek.

“Hindi namin hahayaan na malayang gumala ang mga kriminal. Lubos ang pagsisikap ng NCRPO upang matiyak na ang mga suspek na sangkot sa mga karumaldumal na gawain ay nasa likod ng rehas”, giit ni PMGen Nartatez.

Source: RPIO NCRPO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles