Boluntaryong sumuko ang 11 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Ladtingan, Pikit, North Cotabato nito lamang ika-5 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Boyet”, alyas “Fata”, alyas “Tani”, alyas “Kuros”, alyas “Kastro”, at alyas “Dolphy”, alyas “Ditin”, alyas “Aladin”, alyas “Rasul”, alyas “Ediboy”, at alyas “King”.
Nabatid na boluntaryo ring isinuko ang isang Improvised RPG, isang M14, apat garand rifle, isang barret rifle, dalawang cal. 45 pistol, dalawang 40mm ammunition, tatlong Improvised grenade, dalawang RPG ammunition at isang fragmentary grenade.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga personahe ng Philippine Army, PNP Special Action Force at Pikit Municipal Police Station.
Nakatanggap naman ang bawat sumuko ng cash assistance at bigas galing sa gobyerno.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng BIFF na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.