Nasamsam sa pinagsanib puwersa ng Southern Police District ang tinatayang Php340,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual nito lamang Huwebes, Setyembre 5, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Mel”, 41 anyos, isang High Value Individual.
Pinangunahan ng Southern Police District Drug Enforcement Unit (SPDDEU), kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency Southern District Office (PDEA-SDO), District Special Operations Unit (DSOU), District Intelligence Division (DID), District Mobile Force Battalion (DMFB), at Sub-Station 1 ng Makati City Police Station, ang buy-bust operation na naganap dakong 11:00 ng gabi sa isang parking lot ng isang supermarket sa Barangay Singkamas, Makati City.
Nakumpiska ng mga awtoridad sa operasyon ang isang transparent plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang 50 gramo na tinatayang nasa street value na Php340,000, Php500 bill at boodle money na binubuo ng Php500 at 54 piraso ng Php1,000 at isang Realme Android Phone.
Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9165 na kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Binibigyang-diin ng SPD na patuloy ang kampanya sa ilegal na droga at sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko para sa isang payapa at maunlad na bansa.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos