Nasabat ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station ang tinatayang Php340,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual (HVI) nito lamang Miyerkules, Setyembre 4, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, ang naarestong suspek na si alyas “Janette”, 50 anyos.
Nadakip ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City Police Station ang suspek sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, pasado 6:00 ng umaga at inihain ang Search Warrant.
Hinalughog ng mga watoridad ang lugar kung saan nakumpiska ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo at may Standard Drug Price na Php340,000.
Inihahanda naman ang reklamo para sa paglabag sa Section 11 Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.
Ang Southern Metro Cops ay nanatiling masigasig sa pagsasagawa ng operasyon kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang mga nasasakupan.
Source: SPD PNP
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos