Nasabat ang tinatayang Php225,828 halaga ng hinihinalang shabu mula sa tatlong indibidwal nito lamang ika-3 ng Setyembre 2024 sa New Society Village, Barangay Ilang, Davao City.
Kinilala ni Police Major Richeen M Lagnayo, Acting Station Commander ng Sta. Ana Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Jhunlangs”, 52 anyos, alyas “Melvin”, 18 anyos at alyas “Carl”, 21 anyos.
Ang mga suspek ay naaresto sa isinagawang joint buy-bust operation na pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 11 katuwang ang Sta. Ana Police Station at narekober ang humigit kumulang 33.21 gramo ng hinihinalang shabu at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Samantala, ang laban kontra kriminalidad ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier Nicolas D Torre III alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino