Pinangunahan ng mga tauhan ng Burdeos Municipal Police Station ang isinagawang rescue and evacuation operation sa Burdeos, Quezon Province nito lamang Setyembre 2, 2024.
Umabot sa lampas tuhod ang tubig-baha na dulot ng matinding ulan na dala ng Bagyong Enteng.
Agad namang rumesponde ang PNP at BFP katuwang ang MDRRMO dahilan upang ma-rescue ang ilang mga pamilya na-stranded dahil sa baha.
Sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Burdeos sa iba’t ibang ahensya ng nasyunal at lokal na gobyerno, inaasahang ang mga pagsubok na ito ay matagumpay na malalagpasan.
Hinihimok naman ng mga awtoridad ang publiko na manatiling maingat at nakatutok sa mga balita upang maiwasan ang anuman peligro dulot ng Bagyong Enteng.