Thursday, May 15, 2025

Presentasyon ng mga nakumpiskang Loose Firearms, isinagawa ng Calabarzon PNP

Ang presentasyon ng mga nakumpiskang Loose Firearms ay matagumpay na isinagawa sa Camp BGen Vicente P Lim,  Barangay Mayapa, Calamba City, Laguna nito lamang ika-03 ng Setyembre 2024.

Ang programa at pinangunahan ng masigasig na si Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, Regional Director ng Police Regional Office Calabarzon kung saan inilahad niya ang tagumpay na operasyon ng kapulisan ng Calabarzon sa pagkumpiska ng mga hindi lisensyadong baril.

Ayon kay Police Brigadier General Lucas, ang nasabing pagsusumikap ay bilang paghahanda para sa 2025 Midterm Elections na binibigyang-diin ang pangako ng pamunuan na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan habang papalapit ang kritikal na panahon ng halalan.

Mula Enero 1, 2024 hanggang Agosto 31, 2024, nakapagsagawa ang PRO CALABARZON ng kabuuang 60,332 police operations kabilang ang pagpapatupad ng Search Warrants, Checkpoints, Oplan Bakal/Sita, police patrols/responses, at Oplan Katok.

Ang mga operasyong ito ay nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang 2,929 na armas. Kabilang sa mga ito ang 991 na armas na kinumpiska, habang 1,938 ang isinailalim sa safekeeping. Ang kumpiskadong armas ay kinabibilangan ng 2,899 na maliliit na armas, 30 na light weapons, at 92 na homemade firearms, kung saan 317 ang isinumite sa crime laboratory para sa karagdagang pagsusuri.

Bukod pa rito, nagresulta ang mga operasyong ito sa pagkakaaresto ng 612 na indibidwal, at 606 na kaso ang naisampa na sa korte.

Ang operasyong ito ng kapulisan ng PRO 4A ay isa lamang resulta sa hindi matitinag na dedikasyon sa kanilang tungkulin na magkaroon ng isang payapa at malayo sa kapahamakan na lipunan na sinamahan ng aktibong kooperasyon ng komunidad sa pag-uulat ng mga ilegal na aktibidad.

Source: Police Regional Office 4A

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles