Naniniwalang nasa loob pa rin ng Kingdom of Jesus Christ Compound nagtatago si Pastor Apollo Quiboloy at mga kasamahan nito na nahaharap sa patong-patong na kaso, ito ang naging tugon ni Police Colonel Jean Fajardo, Spokesperson ng Philippine National Police, sa isinagawang press briefing nito lamang Setyembre 2, 2024 sa Kampo Krame, Quezon City.
Ito ang naging tugon sa opinyon ni Vice President Sarah Z Duterte, na wala na sa Davao City si Pastor Quiboloy, nang tanungin si PCol Fajardo ng isang media representative kung ano ang masasabi ng PNP sa pahayag ni Vice President Duterte.
Nabatid na nire-respeto ng PNP ang bawat opinyon ng bawat indibidwal.
Ito naman ang naging pahayag ni PCol Fajardo, “Sa mga impormasyon na hawak ng PNP, at sa monitoring ng special equipment at devices, nandun po tayo sa stage na nalo-locate na po natin. It’s just a matter of how to penetrate that particular area po.”
Nanawagan naman si PCol Fajardo sa lahat ng mga sumusuporta kay Pastor Quiboloy na imbes na suportahan, huwag kalimutan na may mga biktima na sumisigaw ng hustisya hinggil sa mga kaso tulad ng child abuse, sexual abuse, qualified trafficking at ang paghahain ng Warrant of Arrest ng PNP ay pagtupad lamang sa utos ng korte.