Umani ng positibong komento mula sa mga netizens ang pagsagip ng Rizal PNP sa alagang aso na nasalanta ng Bagyong Enteng sa kasagsagan ng search and rescue operation ng mga awtoridad sa Cainta, Rizal nito lamang Setyembre 2, 2024.
Ang naturang facebook post sa official page ng Rizal Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director, ay umantig sa mga damdamin ng netizens nang makita na sakay-sakay din sa naturang rubber boat ang alagang hayop ng isang residente na apektado ng tubig-baha.
Umabot na sa 192 reactions, 10 comments at 52 shares ang naturang post.
Pinatunayan lamang ng Rizal PNP na kabilang sa kanilang mandato ang pagsagip sa buhay ng ating mga alagang hayop, sa gitna ng ating kinakaharap na kalamidad dahil walang dapat maiwan. Ang mga alagang hayop ay parte na rin ng ating pamilya at lipunan.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz