Nakipag-ugnayan ang 1503rd Maneuver Company (MC) ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 15 sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan sa sakuna at pagtugon sa mga kalamidad sa Lungsod ng Tabuk, Kalinga nito lamang ika-2 ng Septyembre 2024.
Binibigyang-diin ng pakikipag-ugnayang ito ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagitan ng mga ahensyang tagapagpatupad ng batas at mga tagapagresponde sa sakuna upang matiyak ang maayos na tugon sa mga potensyal na banta ng naturang bagyo.
Ang pangunahing layunin ng koordinasyon ay makuha ang mga mahahalagang update tungkol sa lagay ng panahon, partikular na ang Tropical Storm Enteng na kasalukuyang nakakaapekto sa Hilagang-Silangang bahagi ng Luzon.
Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng PNP at PDRRMC na protektahan ang buhay at ari-arian ng mga komunidad sa Kalinga, lalo na sa pagharap ng mga natural na kalamidad na madalas makaapekto sa rehiyon.