Mexico, Pampanga (February 5, 2022) – Nakumpiska ang higit dalawang (2) milyong halaga ng shabu at isang (1) suspek ang naaresto sa isinagawang operasyon kontra ilegal na droga ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU)-3 sa Brgy. Lagundi, Mexico, Pampanga noong Pebrero 5, 2022.
Katuwang sa operasyon ang Special Concern Unit (SCU)-3, Regional Intelligence Unit (RID) at Mexico Municipal Police Station (MPS).
Kinilala ang naarestong suspek na si Nabil Macadatar y Ampawa, 26 taong gulang at residente ng Langkaan, Dasmariñas, Cavite.
Narekober na ebidensya mula sa suspek ay tatlong (3) pirasong plastik ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 305 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php2,074,000; Php500 marked money; isang (1) Samsung selpon; isang (1) timbangan; isang (1) bag; at Mitsubishi Montero Sport na may B5A927 sticker.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
####
Panulat ni Patrolman Hazel Rose Bacarisa, RPCADU 3
Husay at galing saludo kami sa PNP