Isinagawa ng mga tauhan ng Baler Police Station ang Project R.E.A.D.Y sa mga mag-aaral ng Mariano L Sindac Integrated School, Sitio Cemento, Barangay Zabali, Baler, Aurora nito lamang Huwebes, ika-29 ng Agosto 2024.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Eduardo S Mendoza Jr, Chief of Police ng Baler Police Station.

Ang nasabing grupo ay naghatid ng kaalaman patungkol sa Anti-Illegal Drugs, Self Esteem at core values.
Ang layunin ng aktibidad na ito ay magbigay ng edukasyon at kamalayan sa mga kabataan patungkol sa mga panganib ng ilegal na droga habang pinalalakas ang kanilang self-esteem at pagpapahalaga sa mga core values.
Sa pagtutulungan ng pulisya at komunidad, inaasahang mas mapapatibay ang ugnayan at kooperasyon upang labanan ang kriminalidad at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.