Saturday, February 1, 2025

Paghahain ng Warrant of Arrest kay Pastor Quiboloy,  nagpapatuloy

Nagpapatuloy at mas pinaigting ng PNP ang isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest na nagsimula nito lamang Agosto 24, 2024 hanggang sa kasalukuyan laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sa mga kasamahan nito na nahaharap sa patong-patong na kaso.

Matatandaang sa unang araw pa lamang ay nagpakita na ang pulisya ng propesyonalismo at dedikasyon sa tungkulin sa pamamagitan ng maximum tolerance o pinakamataas na antas ng pagpipigil at pag-unawa na ginagamit ng mga awtoridad sa pagpapanatili ng kapayapaan sa panahon ng pampublikong pagtitipon o operasyon.

Tinanggap ng ating mga alagad ng batas ang masasakit na salita, pag-gamit ng puwersa, paghagis ng ihi, tira-tirang pagkain at iba pa mula sa mga miyembro ng KOJC members sa kabila ng mga sugat at pinsala na natamo, at sa kabila ng gutom at pagod, hindi kailanman nangyaring kinalimutan ng ating mga kapulisan ang tungkulin nitong pagsilbihan at protektahan ang publiko.

Sa kabila naman ng mga hamon na ito, lumabas  pa rin ang pagiging Pilipino ng bawat isa.

Binigyan ng atensyong medikal ng mga kapulisan ang mga miyembro ng KOJC na nasugatan at ilang araw matapos sinimulan ang nasabing operasyon ay namahagi rin ang mga KOJC members ng tubig at pagkain sa mga kapulisan na siya namang sinuklian rin ng pagkain ng mga ito hanggang sa sumunod na mga araw.

Hinihimok naman ang mga KOJC members na huwag na ulitin ang nangyaring paggamit ng mga laser devices sa PNP helicopter sapagkat ito ay mapanganib hindi lamang sa mga pasahero ng sasakyan kung hindi pati na rin sa mga imprastraktura at mga tao sa ilalim nito.

Patuloy ang PNP sa pagtugis kay Pastor Quiboloy at nananawagan na sumuko na ito at harapin ang kanyang mga kaso upang wala ng mangyaring sakitan sa pagitan ng pulisya at KOJC members dahil ang pagpapatupad sa batas ay walang pinipiling estado at lahat ay pantay-pantay.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles