Arestado ang isang Top 3 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong Murder sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga awtoridad sa Pagadian City nito lamang ika-27 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Romulo C Dimaya Jr, Officer-In-Charge, Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 9, ang naarestong suspek na si alyas “Tucan”, 48 anyos, lalaki at residente ng Barangay Old Labangan, Labangan, Zamboanga del Sur.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco