Pinangunahan ni PBGen Christopher C Birung, PRO2 Regional Director, ang Ceremonial Blessing and Turnover ng Newly Acquired PNP Logistical Equipment na ginanap sa PRO2 Grandstand noong Agosto 27, 2024.
Binubuo ang logistical equipment ng 16 units ng 4X2 Toyota Hilux Single Cab, 22 unit ng Honda Motor XR, at 43 unit ng Information and Communication Technology para sa National Police Clearance System.
Dumalo rin sa seremonya ang mga miyembro ng Command Group, Regional Staff, Regional Supply and Accountable Officer, Logistics and Supply at Accountable Officers ng Police Provincial Offices at mga tauhan ng Regional Headquarters.
Napakahalaga sa Philippine National Police (PNP) ang mga karagdagang sasakyan dahil ito ang ginagamit sa mabilis at epektibong pagtugon sa mga insidente, operasyon, at pang-araw-araw na tungkulin.
Bukod dito, ang sapat na logistic equipment ay makakatulong sa pagpapalakas ng kakayahan ng PNP na magpatupad ng batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Samantala, tinitiyak naman ng Police Regional Office 2 ang agarang pagresponde sa mga krimen at emergency, pagpapalakas ng operasyon ng pulisya, at pagtulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Micah Arzadon Enriquez