Nagsagawa ng komprehensibong final briefing para sa paghahanda sa deployment ng mga tauhan ng Surigao del Sur PNP kaugnay sa pagdiriwang ng 402nd Annual Town Fiesta at Araw ng Guigaquit na ginanap sa harapan ng Guigaquit Municipal Police Station, Surigao del Norte bandang 8:00 ng umaga, nito lamang ika-28 ng Agosto, 2024.
Pinangunahan ni Police Captain Felomino A. Cruiz Jr., Chief of Police, ang nasabing pagpupulong na dinaluhan ng mga tauhan ng Gigaquit MPS, 30th Infantry Battalion (30IB) ng Philippine Army, mga miyembro ng Barangay Tanod, Guigaquit National School of Home Industries (GNHSI) Junior Scouts, at Criminology Interns mula sa Northeastern Mindanao Colleges (NEMCO), Surigao City.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at pagsisikap upang matiyak ang ligtas at maayos na pagdiriwang sa pamamagitan ng ilang kritikal na paksa na tinalakay, kabilang ang detalyadong traffic rerouting plan upang makontrol ang inaasahang pagdagsa ng mga bisita, mga istratehiya para sa pagpapanatili ng High Police Visibility sa buong kaganapan, at ang pagpapatupad ng mga pinahusay na hakbang sa seguridad.
Layunin ng talakayan na igarantiya ang isang maayos at ligtas na karanasan sa pagdiriwang para sa mga lokal na bisita at turista.
Patuloy ang Surigao del Norte PNP sa pagsasagawa ng collaborative approach sa pagitan ng iba’t ibang ahensya at grupo ng komunidad upang itaguyod ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko tungo sa isang Ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin