Thursday, January 16, 2025

Top 10 Municipal Most Wanted Person, arestado sa paglabag sa RA 9262

Arestado ang isang lalaking tinaguriang Top 10 Municipal Most Wanted Person sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 sa isinagawang manhunt operation ng mga otoridad sa Barangay Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Miyerkules, ika-28 ng Agosto 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Julius R Malcontento, Hepe ng Isulan Municipal Police Station, ang naaresto na si “Mike”, 36 anyos, welder, may asawa at residente ng Barangay Poblacion, Buluan, Maguindanao Del Sur.

Bandang 5:40 ng hapon nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga tauhan ng Isulan MPS, kasama ang SKHPT, SK-CIDG 12 at 1st SKPMFC na nagresulta ng pagkadakip ng suspek sa bisa  ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004”.

Patuloy na tinutugis ng hanay ng pulisya ang mga taong may pananagutan sa batas. Hinihimok naman ng Isulan PNP ang mga taong nagtatago na sumuko na at harapin ang mga kasong nagawa.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles