Arestado ng Maa Police Station ang isang Most Wanted Person sa kasong Illegal Gambling nito lamang Agosto 27, 2024 sa Purok 1-B, Lower Dampa, Barangay Magtuod, Davao City.
Kinilala ni Police Major Elfren N Barredo, Acting Station Commander ng Maa Police Station, ang suspek na si alyas “Melanie”, 40 anyos, manggagawa at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng pinagsanib na puwersa ng nasabing istasyon katuwang ang CIDG-DCFU at 1105th MC RMFB 11 sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602.
Samantala, hindi tumitigil ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa pagsasagawa ng Manhunt Charlie Operation upang hulihin at mapanagot ang lahat ng lumalabag sa batas sa buong rehiyon.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino