Arestado ang apat na indibidwal sa ilegal na pangingisda sa isinagawang Seaborne Patrol Operation ng mga tauhan ng Torrijos PNP kasama ang Bantay Dagat sa territorial seawater ng Barangay Suha, Torrijos, Marinduque noong ika-26 ng Agosto 2024.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina alyas ”Rene”, 35 taong gulang; alyas “Richard”, 37 taong gulang; alyas “Alvin”, 26 taong gulang; at alyas “Carlos”, 25 taong gulang, na pawang mga mangingisda at residente ng probinsya ng Quezon.
Napag-alaman ng awtoridad na walang pinanghahawakang permit mula sa LGU ng Torrijos ang mga suspek. Samantala, nakumpiska sa kanila ang rolls of nylon, motor banca, hook and line, Styrofoam, 6 HP Straton Engine, Twelve (12) volts Battery “electron,” at iba pang kagamitan sa pangingisda.
Ipinaalam naman ng mga awtoridad sa mga suspek ang dahilan ng kanilang pag-aresto at ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng custodial investigation, pagkatapos ay dinala sila sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay lamang sa patuloy na pangangalaga ng mga kapulisan sa karagatang kanilang nasasakupan.
Source: Torrijos MPS
Panulat ni Pat Ana Rose D Guadaña