Saturday, January 18, 2025

3 Chinese Nationals, kalaboso sa kasong Robbery ng Pasay PNP

Kalaboso ang tatlong Chinese Nationals sa isinagawang coordinated effort ng local security personnel at ng mga operatiba ng Pasay City Police Station, matapos madakip sa isang residential building sa Barangay 5, Pasay City nito lamang Lunes, Agosto 26, 2024.

Ayon kay Police Colonel Samuel B Pabonita, Chief of Police ng Pasay CPS, nangyari ang insidente dakong 8:40 ng gabi nang humingi ng tulong sa security personnel ng gusali ang biktima na kinilalang si alyas “Chenghuan”, lalaking Chinese National, 25 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay sinaktan at pinagnakawan ng mga suspek na kinilalang sina alyas “Shipeng” (32), alyas “You Liang” (36), at alyas “Hai Tao” (29), pawang mga lalaking Chinese Nationals na pansamantalang naninirahan sa Metro Manila.

Sapilitang kinuha ng mga suspek ang Php310,000 mula sa biktima sa pamamagitan ng online transactions gamit ang Alipay, WeChat Pay, at USTD.

Agad namang rumesponde ang mga opisyal ng Sub-station 1 ng Pasay City Police Station na nagresulta sa pagkarekober ng dalawang nakatuping kutsilyo at mga cellphones at kasong Robbery with Physical Injury ang ipapataw sa mga suspek.

Ang agarang pagresponde ng mga tauhan ng Pasay City PNP ay nagpapatunay ng dedikasyon sa trabaho upang maging ligtas at payapa ang mamamayan at turista sa ating bansa.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles