Kusang sumuko ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa Provincial Level sa mga operatiba ng Sultan Mastura Municipal Police Station sa Barangay Tapayan, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte noong ika-26 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Colonel Salman H Sapal, Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, ang sumukong suspek na si alyas “Jojo”.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Sa pamumuno ni Police Colonel Sapal, ang Maguindanao del Norte PNP ay mas paiigtingin ang pagpapatupad ng batas upang mahuli at mapanagot ang mga taong lumalabag sa batas.
Panulat ni Patrolwoman Judy Ann Alibo