Tinatayang Php100,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng Benguet PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Dalipey, Tacadang, Kibungan, Benguet noong ika-24 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan MPS, katuwang ang Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Division-PRO CAR at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may lawak na 100 square meters at may nakatanim na 500 piraso ng marijuana at nagkakahalaga ng Php100,000 Standard Drug Price.
Lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at sinisiguro na lalo pang paiigtingin ang kampanya kontra sa ilegal na droga.