Narekober ng mga operatiba ng Manila Police District ang tinatayang Php34 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation nito lamang Biyernes, Agosto 23, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay, District Director ng MPD, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Boss”, 39 anyos at si alyas “Jho”, 30 anyos, na kapwa residente sa C. Tuazon St., Barangay 739 Zone 80, San Andres, Malate, Maynila.
Ayon kay PBGen Ibay, nanguna sa matagumpay na operasyon ang tauhan ng Sta. Ana Police Station (PS-6) Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na naganap sa kanto ng Del Pilar St., at M. Roxas St., Barangay 881 Zone 97, Sta. Ana, Maynila.
Nakumpiska sa mga suspek ang apat na piraso ng color green refined Chinese tea bag with printed “DAGUANYIN”na naglalaman ng shabu na tinatayang may timbang na 5 kilo na may Standard Drug Price na Php34,000,000, isang kalibre .45 na baril na may dalawang magasin na loaded ng 14 na bala, Kalibre .38 na baril na loaded ng limang bala at isang granada.
Kumpiskado rin ang isang Mio MXI motorcycle color black bearing MV File number 1380-1101601 na gamit ng mga suspek sa pakikipagtransaksyon sa police possuer buyer, apat na piraso ng Php1,000 bills at 496 na piraso ng boodle/fake money na ginamit sa transaksyon.
Nahaharap si alyas “Boss” sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) of Republic Act 9165, Violation of R.A. 10591(Illegal Possession of Firearms and Ammunition), and R.A 9516 (Illegal possession of explosive).
Samantala, si alyas “Jho” naman ay kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) of RA 9165 at Violation of R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition).
Patuloy ang Metro Manila Cops sa pagpuksa sa talamak na ilegal na droga, na walang ibang dala kundi karahasan, kriminalidad at pagkasira sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.