Pinanguhanan ng iba’t ibang stakeholders ang isinagawang Serbisyo Bayanihan Caravan na may temang “Serbisyong BAYANIHAN Caravan para sa Kapulisan at Kapamilya ng Pulis Laguna” na ginanap sa Camp BGen Paciano Rizal, Barangay Bagumbayan, Sta Cruz Laguna nito lamang ika-22 ng Agosto 2024.
Pinangunahan ng Philippine Statistics Authority, Commission on Election, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, Land Transportation Office, Provincial Medical and Dental Unit, St. Peter at Officers Ladies Club ang Serbisyo Caravan na naghandog ng iba’t ibang tulong sa mahigit 409 bilang ng mga dumalo na binubuo ng mga tauhan ng PNP at kanilang mga benipisyaryo, NUP at mga nasa Government Internship Program Members.
Ang mga serbisyong handog ng naturang aktibidad ay ang Aplikasyon para sa National ID at Pagbigay ng Kopya ng mga Registry Document sa PSA, Police Clearance, COMELEC Registration Anywhere (RAP), mga programang handog ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa Oryentasyon sa Maliit na Negosyo Entrepreneurship, Job Fair (STP-SRP) at TUPAD Orientation, Livelihood Training sa paggawa ng Empanada at Dishwashing Liquid, Pamamahagi ng mga Bitamina, Seminar tungkol sa mga Patakaran at Traffic Signs, Libreng Medikal at Dental Services at Pamamahagi ng mga Dental Kit, Pamamahagi ng mga Food Packs, Counseling para sa mga PNP personnel at Sport Clinic para sa mga benepisyaryo nito.
Ang aktibidad ay naglalayong suportahan ang mga kapulisan at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang serbisyo at pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng publiko at ng PNP.
Source: RPCADU 4A