Saturday, September 21, 2024

Wanted na mag-ama, tiklo sa Sulu; human rights-based operation, ipinatutupad

Indanan, Sulu— Arestado sa ginawang operasyon ng pinagsama-samang pwersa ng iba’t ibang tanggapan ng kapulisan ang mag ama na may mga warrant of arrest kaugnay ng kasong murder sa bayan ng Indanan, lalawigan ng Sulu noong Agosto 19, 2024.

Nadakip sa ikinasang operasyon ng Indanan MPS at iba pang operatiba ng Sulu Police Provincial Office kahapon sina alyas “Ullong,” 56 anyos at isang 23 anyos na alyas “Balli” alinsunod sa inilabas na warrant of arrest ng RTC 9 Branch 3 sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Police Lieutenant Jan Michael Nolan M. Mambuay, Deputy Chief of Police, bandang 2:30 ng hapon nang tumungo ang mga operatiba sa tinitirhan ng mag ama sa Barangay Buansa sa naturang munisipyo.

Aniya, ang matagumpay na operasyon na nagdulot ng pagkakadakip ng mga indibidwal ay bunga ng aktibo at bukas na talastasan sa pagitan ng mga mamamayan at kapulisan.

“Sa tulong po ng ating mga kababayang Bangsamoro na may pagmamahal sa kapayapaan, matagumpay po nating natunton ang kinalalagyan ng mga suspect.”

“Makaaasa po ang ating mga kababayan na sa kanilang pakikipag-ugnayan ay patuloy nating babantayan ang kapayapaan at seguridad dito sa rehiyon ng BARMM,” dagdag niya.

Sinabi pa ng opisyal na sa pagkakadakip ng dalawa ay kanilang isinaalang-alang ang karapatan ng mga ito.

“Tayo po ay pulisya na may pagpapahalaga sa karapatang pantao at dignidad ng bawat isa kaya naman siniguro namin na sa kanilang pagkakaaresto ay kanilang naunawaan ang kanilang mga karapatan, at [sila ay] may disenteng tuluyan sa piitan.”

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Indanan PNP ang mga nasabing indibidwal at sasailalim sa dokumentasyon bago ilipat sa mas malaking piitan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles