Solsona, Ilocos Sur (February 4, 2022) – Naghandog ng pangkabuhayan at pailaw package ang mga kapulisan ng Ilocos Norte sa pangunguna ni Police Colonel Julius Suriben, Acting Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO), Honorable Mayor Joseph E. De Lara at Provincial Director ng DILG-IN sa Solsona, Ilocos Norte noong Pebrero 4, 2022.
Ang nasabing programa at proyekto ay para sa mga nagbalik-loob na dating miyembro ng alyansa ng magbubukid at selected Urban Poor Families.
Ang pitong (7) benepisyaryo ng pangkabuhayan ay nakatanggap ng isang (1) set ng kulungan ng manok, sampung (10) piraso ng sisiw kalakip ng bitamina at iba pang kailangan sa pagpapalaki ng manok, isang (1) unit na Samsung cellphone at limang (5) sakong bigas.
Samantala, namigay naman ng pailaw kay Mr. Rolando Tagama, 87 taong gulang at residente ng Sitio Maangre, Barangay Bubuos, Solsona, Ilocos Norte. Si Tagama ay mag-isa na lamang sa kanyang tahanan pero minsan ay binibisita ng kanyang kapitbahay at barangay Social Worker.
Naisagawa din ang pagbigay ng Certificate of Appreciation sa mga Advocacy Support Groups bilang pagkilala at pasasalamat sa pakikipagtulungan para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kanilang bayan.
Ayon sa panayam kay PCol Suriben, ang nasabing programa at proyekto ay para mabigyan ng simpleng pangkabuhayan at pagkakataong mabuhay ng tahimik, payapa at normal ang mga nagbalik-loob sa gobyerno na alinsunod sa tinatawag na End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) PRLE Cluster Initiative.
####
Panulat ni PSSg Lhenee Valerio, RPCADU1
Galing salamat PNP mabuhay po kayo