Sablan, Benguet (February 4, 2022) – Naghandog ng bagong tahanan ang mga kapulisan ng Sablan Municipal Police Station (MPS) sa batang mag-asawa na sina Gil at Jonalyn Dela Cruz sa Barangay Palali, Sablan, Benguet noong Pebrero 4, 2022.
Ang mag-asawa ay nakatira sa isang lumang bahay na gawa sa light materials kasama ang kanilang dalawang anak.
Si Ginoong Dela Cruz ay nagtatrabaho hindi lang isang barangay tanod ng Palali kundi bilang magsasaka at trabahador din.
Ito ang umantig sa puso ng mga kapulisan ng Sablan MPS, dahilan upang piliin silang maging kanilang benepisyaryo.
Bukod sa bagong bahay, ay nakatanggap din ang naturang pamilya ng mga grocery items at mga gamit sa kusina.

Labis ang pasasalamat ng pamilya Dela Cruz sa mga ipinagkaloob sa kanila ng mga kapulisan.
Ang naturang proyekto ay sa ilalim pa rin ng Handog Pabahay ng Benguet Police Provincial Office.
####
Panulat ni Pat Febelyne Codiam, RPCADU COR
Source: PNP Benguet PIO
Good job PNP