Pinasinayaan ang bagong firing range ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Barangay Bagumbayan, Tigbauan, Iloilo nitong Miyerkules, ika-14 ng Agosto 2024.
Ang bagong firing range ay isang espesyal na pasilidad na magagamit ng mga kapulisan upang higit pang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagbaril, pati na ang disiplina sa marksmanship.

Binigyang-diin din ni Police Brigadier General Jack L Wanky, Regional Director ng PRO6, ang kahalagahan ng pagpapataas ng kanilang mga kakayahan upang makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo sa patuloy na pangalagaan ang kapakanan ng komunidad.

Ang hakbang na ito ay patunay lamang ng dedikasyon ng mga awtoridad sa Western Visayas na mapahusay ang kanilang kasanayan upang makapagserbisyo ng tama at karapatdapat sa komunidad.
Source: K5 NEWS FM ILOILO
Panulat ni Pat Justine Mae Jallores