Nasabat ang mahigit Php475,000 halaga ng hinihinalang marijuana mula sa Top 5 Regional High Value Individual nito lamang Agosto 12, 2024 sa Purok 14, Barangay Mintal, Tugbok District, Davao City.
Kinilala ni Police Major Vincent Ignacio B Follante, Acting Station Commander ng Tugbok Police Station, ang suspek na si alyas “Justin”, 24 anyos at residente ng Purok 19, Santol Street, Santo Niño, Tugbok District, Davao City.
Narekober mula sa suspek ang humigit kumulang 3.167 kilo ng hinihinalang marijuana at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Nicolas D Torre III ay patuloy na pinapaigting ang laban kontra kriminalidad alinsunod sa programa ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino