Agarang rumesponde ang mga kapulisan ng Cebu City matapos makatanggap ng tawag patungkol sa isang bomb threat sa UC Banilad Campus, Barangay Banilad, Cebu City, noong ika-13 ng Agosto 2024.

May nakitang facebook post galing sa isang indibidwal na kung saan naglalaman ito ng pagbabanta na magkakaroon ng massacre gamit ang bomba.
Sa tulong ng mga tauhan ng Police Station 4, Cebu City Police Office sa pangunguna ni Police Major Romeo Durano Caacoy Jr., Station Commander, katuwang ang EOD K9, SWAT, CIDG, CMFC, CIU, CCPO agad na nagsagawa ng pagsusuri sa nasabing unibersidad.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, nagpasya ang University of Cebu – Banilad na huwag munang magpunta sa campus ang mga estudyante hanggang sa susunod na abiso at manatiling alerto at iwasang mag-post o makipag-ugnayan sa anumang nilalamang nauugnay sa kasalukuyang isyu.

Matapos ang masusing imbestigasyon, wala namang natagpuang anumang bomba o pampasabog sa nasabing lugar. Gayunpaman, patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng taong nag-post ng banta online.
Ang agarang pagtugon na ito ng kapulisan ay nagpapakita ng dedikasyon at pagsuporta ng programa ng pamahalaan na palakasin ang seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng bansa dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka.
Source: CCPO SR