Nakumpiska ang mahigit Php680,000 halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspek sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City nito lamang ika-11 ng Agosto 2024.
Kinilala ang dalawang drug suspek na sina alyas “Lan”, 38 anyos at alyas “Jina”, 32 anyos, pawang mga residente ng nasabing lungsod.
Nadakip ang dalawang drug suspek bandang 11:00 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforment Unit 10 kasama ang Cagayan de Oro PNP at PNP DEG SOU 10.
Sa operasyon ay nasamsam ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na nasa 100 na gramo at may Standard Drug Price na Php680,000; isang sling bag; isang brown belt bag at Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Patuloy ang Police Regional Office 10 na nagkakaisa sa paglaban kontra ilegal na droga sa kanilang nasasakupan para mapanatiling ligtas at payapa ang buong rehiyon.