Tumilapon ang walong sakay ng green Isuzu (kumong-kumong) SKW truck sa nangyaring aksidente sa kahabaan ng National Highway, Sitio New Bohol, Canituan, Kalilangan, Bukidnon nito lamang Agosto 11, 2024.
Ayon kay Police Colonel Jovit L Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Kalilangan-Talakag Road at puno ng sako ng mga gulay ang sasakyan nang mawalan ng control ang driver dahil sa madulas na daan bunga ng pag-ulan at tuluyan itong nahulog sa bangin.

Agad namang nirescue ng Kalilangan Municipal Police Station ang mga biktima ngunit ang dalawang indibidwal ay nahulog sa Ulayan River at patuloy na pinaghahahanap habang idineklarang patay ang drayber sa pagamutan.
“Kalilangan PNP must strictly implement traffic laws and conduct random checkpoints for the safety of motorists and practice a responsible attitude and take extra care precautions while driving and cooperate with the authorities in terms of road safety rules and policies,” pahayag ni PCol Culaway.