Timbog ang wanted person sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Pag-Asa, Bongao, Tawi-Tawi noong ika-11 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roy R Zantua, Hepe ng Bongao Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Red”, 48 anyos na residente ng Barangay Tubig Tanah, Bongao, Tawi-Tawi.
Ayon kay PLtCol Zantua, matagumpay na naaresto ang suspek sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Bongao Municipal Police Station, Tawi-Tawi Provincial Drug Enforcement Unit at 1405th-B Regional Mobile Force Battalion 14-B sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may piyansang Php200,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang sa epektibong pagpapatupad ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas maayos, maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui