Boluntaryong sumuko ang tatlong miyembro ng Datu Ismalaya – Hassan Group sa mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Pagalungan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-8 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Colonel Roel R Sermese, Provincial Director ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, ang tatlong miyembro na sina alyas “Yas”, alyas “Ebra” at alyas “Abdul”, na pawang mga residente ng naturang lugar.
Naging matagumpay ang operasyon sa pagsusumikap ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng 90 Infantry Battalion, 61 Division, Philippine Army, 602 BDE, Pagalungan Municipal Police Station na nagresulta sa pagsuko ng mga dating miyembro ng DI – HG at isang garand rifle, isang 81mm-IED, isang engram cal.9mm, isang magazine, isang RPG na may isang bala.
Nakatanggap naman ng bigas at cash assistance ang mga sumuko mula sa tanggapan ng Pagalungan Municipal Hall.
Ang pagbabalik-loob ng tatlong DI – HG ay representasyon na ang mga programa ng gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo ay matagumpay na naipapatupad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya