Arestado ang isang indibidwal at nakumpiska ang mga baril at bala mula sa naturang suspect sa isinagawang buy-bust operation ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Rosary Heights 13, Cotabato City nito lamang ika-7 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ariel T. Huesca, Regional Chief ng CIDG RFU BAR, ang mga suspek na sina alyas “Shimie”, 49 anyos, na residente ng Barangay Dalumnagcob, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte at alyas “Tom” na nakatakas at patuloy na pinaghahahanap ng batas.
Naging matagumpay ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad ng CIDG RFU BAR katuwang ang 5th Special Operations Unit ng Maguindanao Maritime, Provincial Investigation Unit – MDN PPO, at Police Station 2 Cotabato City Police Office na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakakumpiska ng dalawang yunit ng cal. 5.56mm rifle, isang green tactical vest, isang 20-rounder at apat na 30-rounder magazine cal. 5.56mm, Php160,000 buddle money, tatlong Php500 bill, at IDs.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” Section 28: “Constructive Possession of Firearms and Ammunition” at Section 32: “Unlawful Sale of Firearms and Ammunition”.
Patunay lamang ito na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas, sa pamumuno ni CPNP Police General Rommel Francisco D Marbil, ay patas at walang kinikilingan. Ang lahat nang nagkakasala ay may karampatang parusa dahil walang mas nakatataas kaysa ating batas.