Arestado ng mga operatiba ng Ecoland Police Station ang Top 8 Most Wanted Person sa City Level nito lamang Agosto 5, 2024 sa Rudsor Apt., Candelaria Street, Barangay 76-A, Ecoland, Davao City.
Kinilala ni Police Major Butch Kevin P Rapiz, Acting Station Commander ng Ecoland Police Station, ang suspek na si alyas “Samuel”, 33 anyos, isang swimming instructor at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng nasabing istasyon, CIT RIU 11 at 5th SOU Maritime Group at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse ng Republic Act 7610 at RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Samantala, ang laban kontra kriminalidad ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Nicolas D Torre III alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino